Ayon kay Lacson ang mga ganitong abiso ay base sa malawak na intelligence network ng U.S kaya’t dapat itong seryosohin.
Sinabi pa ng senador na sa kanyang pagkakaalam ay kumilos na ang Armed Forces of the Philippines para mapigilan ang kidnap threat sa Palawan.
Banggit pa ni Lacson, natural na target ng mga terror group ang mga tourist spots dahil mas malaki ang magiging impact nito at mapapatunayan nila ang kanilang kakayahan.
Nauna nang sinabi ng U.S Embassy sa kanilang mga citizens sa bansa na umiwas muna sa pagpunta sa lalawigan ng Palawan dahil sa banta ng terorismo doon.
Samantala, walang plano ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na dagdagan ang pwersa sa Palawan kasunod ng napaulat na planong kidnapping activities ng teroristang grupo doon.
Ito ay kasunod na rin ng inilabas na travel advisory ng U.S Embassy at maging ng U.K sa kanilang mamamayan dito sa Pilipinas
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, sapat ang pwersa ng Western Command para tugunan ang nasabing problema.
Pero aminado si Arevalo na magpapatupad sila ng mga panibagong mga taktika at procedures para tugunan kung ano man ang planong atrocity ng teroristang grupo.
Kasabay nito iginiit ni Arevalo na titiyakin ng militar na hindi magtatagumpay ang anumang masamang balakin ng teroristang grupo sa Palawan.