Sotto, inireklamo sa ethics committee dahil sa ‘na ano lang’ joke

 

Hindi pinalampas ng iba’t ibang women’s group ang pagbibiro ni Senate Majority Leader Tito Sotto kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo ukol sa pagiging single mother nito.

Pormal nang inireklamo ng mga grupo sa Senate ethics committee ang senador dahil sa naturang pahayag.

Hiniling nila na maparusahan si Sotto sa pang-iinsulto kay Taguiwalo at mag-inhibit ito bilang namumuno sa ethics committee sa pagdinig sa kanilang reklamo.

Iginiit ng women’s group na mali din ang katuwiran ni Sotto na salitang kalye ang ‘na ano lang’ dahil ayon sa mga grupo hindi lahat ng mga nasa kalye ay katulad ang pag-iisip sa senador tungkol sa mga solo mothers katulad ni Taguiwalo.

Samantala, sinabi naman ni Sotto na agad na siyang mag-iinhibit bilang chairman ng ethics committee kapag bumagsak na sa komite ang reklamo sa kanya.

Ngunit giit nito malinis ang kanyang konsensiya at aniya wala siyang intensyon na insultuhin si Taguiwalo at ang mga single mothers.

Read more...