Gen. Eduardo Año bagong DILG secretary

Eduardo Año1
Inquirer photo

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Eduardo Año ang susunod na kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Sa kanyang departure speech bago ang pagdalo sa World Economic Forum conference sa Cambodia ay sinabi ng pangulo na isang tapat na Filipino ang dapat na maging kalihim ng DILG at ito ay nakita niya sa katauhan ni Año.

Si Año ay nakatakdang magretiro sa buwan ng Oktubre kung kailan ay maaabot niya ang mandatory retirement age na 56.

Bago maging pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay naging Commanding General rin ng Philippine Army si Año.

Nakilala rin ang opisyal bilang dating pinuno ng Intelligence Service Armed Forces of the Philippines (ISAFP).

Si Año ay kabilang sa mga graduates ng Philippine Military Academy Class of 1983.

Papalitan ni Año si dating DILG Sec. Mike Sueno na sinibak ng pangulo sa kanyang pwesto makaraang masangkot sa isyu ng kurapsyon.

Read more...