4 na Liberal Party congressmen lilipat na sa PDP-Laban

congress1Kinumpirma ni House Speaker Pantaleon Alvarez na may ilan pang kongresistang miyembro ng Liberal Party o LP ang lilipat na sa PDP-Laban.

Ito’y sina Quezon City Rep. Alfred Vargas, Bataan Rep. Geraldine Roman, Lanao del Sur Rep. Ansaruddin Adiong at North Cotabato Rep. Nancy Catamco.

Inaasahan na manunumpa ang mga nabanggit na mambabatas sa opisina ni Alvarez mamayang hapon.

Dahil naman sa nakatakdang pagkalas ng mga kongresista sa LP, bababa na sa 28 ang bilang ng kanilang membership ng partido sa Mababang Kapulungan.

Matatandaan na bago pa man maupo si Alvarez bilang House Speaker ng 17th Congress ay marami nang LP Solons ang lumipat sa PDP-Laban na partido ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Read more...