PNP, bukas sa imbestigasyon ng CHR sa umano’y pagpatay sa Abu Sayyaf member sa Bohol

Dionardo-CarlosWelcome sa Philippine National Police ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR) sa pagkamatay ng Abu Sayyaf Group member na si Abu Saad sa Bohol.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos, sa katunayan meron din ginawang sariling imbestigasyon ang pambansang pulisya sa pagkamatay ni Saad.

Ito ay kasunod na rin ng ulat ng CHR na malapitang binaril sa ulo ang naturang ASG member.

Ayon pa kay Carlos, maliban sa imbestigasyon ng Bohol PNP, kumikilos na ang PNP-IAS sa naturang kaso.

Paliwanag ng tagapagsalita ng PNP, mahalagang malaman kung may kapabayaan sa panig ng mga pulis at kung may paglabag sa batas, dapat lang silang maipagharap ng kaso.

Sa report ng PNP-PRO 7, tumakas si Saad at nagdahilan na nag sumasakit ang tiyan nang ililipat na sa Bohol District Jail dahilan para makatakas ito sa mga otoridad.

Nang makatakas, agad nagsagawa ng manhunt operations ang mga otoridad laban kay Saad hanggang sa magtangka itong mang-agaw ng baril na nagresulta sa pagkakapatay sa kanya ng mga pulis.

Read more...