Batang babae, patay matapos mahulog sa water ride sa isang theme park sa London

DRAYTON PARK
PHOTO FROM DRAYTON PARK’S FB

Nasawi ang isang 11-year-old na babae makaraang aksidenteng mahulog sa water ride sa isang theme park sa London, United Kingdom.

Nabatid na sa Drayton Manor Park isinagawa ng field trip ng eskwelahan na pinag-aaralan ng biktima.

Ayon sa pulisya, naganap ang aksidente habang nakasakay ang biktima at mga kaklase nito sa theme park ride na “Splash Canyon”.

Nagawa pang mailigtas ang batang babae ng theme park employees bago dumating ang ambulansya.

Sa pamamagitan ng airlift, isinugod ang naturang biktima sa ospital pero binawian na din ito ng buhay pagdating sa pagamutan dahil sa natamong mga sugat.

Kasunod insidente, agad na isinara ang naturang water ride at mananatiling sarado ang theme park sa loob ng dalawang araw.

Emosyunal naman na nagpaabot ng pakikiramay ang Company director na si George Bryan sa pamilya ng biktima.

Ngayon ay naglunsad na ang Health and Safety Executive watchdog ng London kaugnay sa naturang insidente.

Read more...