Labinlimang milyong pisong halaga ng shabu, narekober sa Bacolod

Bacolod CityTinatayang nasa labinlimang milyong piso ang halaga ng shabu na nasabat ng mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Bacolod City.

Target ng nasabing operasyon ang suspek na si Reynante Villanueva.

Sinalakay ng mga operatiba ng Bacolod City police ang tahanan ni Villanueva kung saan nakuha ang nasa isang kilong shabu.

Gayunman, hindi nila nahuli si Villanueva dahil tumakbo ito agad nang matunugan na mayroong mga pulis sa lugar.

Ang tanging naaresto nila ay ang asawa ni Villanueva na si Julie at isang bisita na si Jan Deocampo na pawang nahulihan rin ng tatlong sachet ng shabu.

Read more...