Matatandaang nagkaroon ng eleksyon matapos pababain ang dati nilang pangulo na Park Geun-Hye dahil sa kurapsyon, at pagkakasangkot sa eskandalo.
Umabot sa 41.4 percent ang bumoto kay Moon na mula sa Democratic Party, at pabor sa pagaayos sa ugnayan ng South Korea at North Korea.
Samantala, nakakuha naman ang conservative na si Hong Joon-Pyo ng 23.3 percent na boto, habang ang centrist na si Ahn Cheol-Soo ay nakakuha ng 21.8 percent.
Ayon kay Moon, nararamdaman niya ang labis na kagustuhan ng mga tao na maranasan ang pagbabago.
Nasa 75.1 percent naman ng mga botante ang bumoto hanggang sa alas-7:00 ng gabi, isang oras bago magsara ang eleksyon.