5 miyembro ng NPA, arestado dahil sa pag-atake sa minahan

 

Limang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) na armado ng mga pampasabog ang naaresto kaugnay ng pag-atake sa minahan ng nikel sa Mati City, Davao Oriental noong Sabado.

Ayon sa hepe ng Davao Oriental police na si Senior Supt. Harry Espela, naaresto ang mga nasabing suspek sa isinagawang operasyon ng mga pulis at sundalo.

Inatake ng mga hinihinalang rebelde ang Asiaticus Mining Corp. sa Brgy. Macambol sa Mati City noong Sabado ng madaling araw.

Ayon pa kay Espela, natagpuan sa umano’y safe house sa Barangay Dawan ang ilang mga pampasabog.

Naisampa na ang mga kaukulang kaso laban sa mga rebelde na nasa ilalim ngayon ng kustodiya ng Mati City police.

Read more...