Twin bombing sa Thailand, higit 60 sugatan

 

Hindi bababa sa animnapu katao ang nasugatan sa kambal na pagsabog ng hinihinalang car bomb sa labas ng isang supermarket sa Pattani, southern Thailand.

Naganap ang pagsabog sa labas ng ‘Big C’ supermarket malapit sa sentro ng naturang bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, unang sumabog ang isang bomba na ikinabit sa motorsiklo sa car park ng supermarket na nagresulta sa agarang panic-mula sa mga kostumer.

Sa kasagsagan ng kaguluhan, isa pang pagsabog ang naganap na nagresulta sa pagkasugat ng mas maraming biktima.

Hinihinalang inilagay ang ikalawang bomba sa isa namang kotse batay sa mga piraso ng sasakyan na narekober ng mga otoridad sa lugar na pinangyarihan ng ikalawang pagsabog.

Matagal nang suliranin sa lugar ang pamamayagpag ng rebeldeng ethnic Malay na kumakalaban sa Buddhist majority state ng Thailand.

Hinala ng mga otoridad, ang mga ito ang pasimuno ng kambal na pagpapasabog.

Read more...