7 tauhan ni Alhabsy Misaya ng Abu Sayyaf, sumuko sa Sulu

 

Sumuko sa militar ang pitong miyembro ng Abu Sayyaf Group na mga tauhan at tagasunod ng napatay na ASG sub-leader na si Alhabsy Misaya sa lalawigan ng Sulu.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana, kusang-loob na sumuko ang pitong ASG sa Sitio Kanjawali, Barangay Tandu Bato, Luuk, Sulu.

Nakilala ang limang Abu Sayyaf na mga tagasunod ni Misaya na sumuko na sina Aminula Sakili, Saharijan Sakili, Hayden Sahidul, Sattar Sadjal at
Orik Samsuraji.

Habang ang dalawang iba pa ay mga tauhan naman ni ASG sub-leader Tomas Idjas, na nakilalang sina Princibal Abdan at Annu Asaraji.

Isinuko rin ng pito ang gamit na matataas na kalibre ng baril kabilang ang isang M14, 1 M16, 1 M1 Garand, 1 caliber .45 at isang caliber .38 at mga bala.

Hinikayat naman ni Sobejana ang iba pang Abu Sayyaf members na gayahin ang ginawa ng mga kasama dahil hindi umano magtatagal ay mahahabol rin sila ng tropa ng pamahalaan.

Read more...