Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sexy star na si Mocha Uson o Margaux Justiniano Uson bilang bagong assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office.
Noong May 8 lamang ng nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment paper ni Uson.
Una rito, itinalaga ni Duterte si uson bilang board member ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.
Pero hanggang Setyembre lamang ang kanyang termino ayon sa paliwanag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar.
Si Uson ang tututok sa social media accounts ng Presidential Communications Office.
MOST READ
LATEST STORIES