Ayon kay Robredo, dapat ituring na “Sham Pleading” o walang kuwenta ang mosyon ni Marcos na dapat inaalis sa records o ma-dismissed.
Nagtungo si Marcos sa PET dahil sa kabiguan umano ni Robredo na bayaran ang unang installment na dapat niyang bayaran para sa kanyang kontra-protesta.
Iginiit ni Marcos ang rule 34 ng 2010 Rules of the Presidential Electoral Tribunal na nagbibigay kapangyarihan sa PET na ibasura ang protesta o counter-protest depende sa sirkumstansiya.
Una nang naghain si Robredo ng mosyon para ipagpaliban ang kanyang pagbabayd ng protest fee subalit kagyat na tinutulan ng tribunal at iginiit na dapat niyang magbayad ng walong milyung cash deposit na kanya namang binayaran noong Mayo a-dos.
Para kay Robredo , dahil sa kanyang compliance sa utos ng PET ay nagbunsod sa mosyon ni Marcos para maging moot and academic.