Bucor-TADECO deal, pinakakansela kay Pangulong Duterte

Vitaliano AguirreMismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang marapat na magkansela ng joint venture agreement o JVA sa pagitan ng Bureau of Corrections o Bucor at Tagum Agricultural Development Company o TADECO.

Ito ang rekumendasyon ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre, sa pagdalo nito sa joint investigation ng Kamara ukol sa umano’y maanomalyang kontrata.

Ayon kay Aguirre, ang kanselasyon ng presidnete sa Bucor-TADECO deal ay ang pinakamabilis na paraan upang mapa-walang-saysay ang JVA ng dalawa.

Isa pa aniya sa paraan para makansela ang JVA ng Bucor at TADEDO ay ang paghahain ng petisyon sa korte, na mas kakain ng panahon.

Kinumpirma ni Aguirre na kanyang aatasan ang Bucor na maghain ng petisyon dahil may legal personality ito upang gawin ang naturang hakbang bilang contracting party.

Sa ngayon, sinabi ni Aguirre na mayroon nang kaso laban sa TADECO sa Office of the Ombudsman, at handa aniya ang DOJ na magsumite ng opinyon upang makatulong sa pagsisiyasat ng anti-graft body.

JVA sa pagitan ng Bucor at TADECO ay pinasok noon pang July 1969, para sa pag-upa sa mahigit limang libong ektaryang lupain ng Davao Penal Colony.

Pero taliwas daw ito sa kalakatan ng lease agreement na karaniwang pang-sampung taon lamang.

Aabot din umano sa 106 million pesos kada taon ang lugi rito ng gobyerno.

Read more...