Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating House Speaker Jose De Venecia sa Department of Foreign Affairs Special Envoy on Intercultural Dialogue.
Ayon kay Foreign Affairs spokesman Robespierre Bolivar, mula Abril hanggang Setyembre 2017 lamang ang appointment ni De Venecia.
Itinalaga rin ng pangulo si Catalino Cuy sa Department of Interior and Local Government (DILG) subalit walang espisipikong posisyon.
Matatandaang una nang itinalaga ng pangulo si Cuy bilang acting DILG Secretary kapalit ng sinibak na si Mike Sueno.
Bukod kina De Venecia at Cuy, animnapu’t dalawang iba pa ang itinalaga ni Pangulong Duterte sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan.
MOST READ
LATEST STORIES