Senado at Kongreso, walang kapangyarihan na imbestigahan ang Commission on Appointments

senate-hallMismong ang Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso ay walang kapangyarihan na imbestigahan ang Commission on Appointments dahil ito ay isang independent constitutional body.

Ito ang tugon ng ilang miyembro ng Commission on Appointments sa panawagan ng ilang mambabatas na imbestigahan ang komisyon dahil sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na umiral umano ang ‘lobby money’ kaya na-reject ang appointment ni dating Environment Sec. Gina Lopez.

Ilang mambabatas sa Kongreso partikular na si Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano ang nanawagan ng naturang imbestigasyon.

Pinaiimmbestigahan naman ng ilang senador ang CA rules partikular na ang ‘secret balloting’.

Sinabi ni Sen. Ping Lacson na dapat ay konsultahin muna ni Alejano ang kanyang abogado bago maghain ng resolusyon na mag-iimbestiga sa Commission on Appointments.

Iginiit naman ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na hindi maaaring manghimasok ang mga senador at kongresista sa drafting ng CA rules.

Ang 25-member ng Commission on Appointments ay isang constitutional body sa ilalim ng 1987 Constitution.

Read more...