Walang trabaho at kapwa senior citizen na ang mga suspek na sina Maria Theresa at Rodolfo Angeles na sinasabing notoryus na drug pusher sa kanilang subdivision.
Ayon kay Chief Insp. Jerry Amindalan, hepe ng Southern Police District-Drug Enforcement Unit, nagpanggap na posseur-buyer ang isa nilang operatiba at bumili ng dalawang libong pisong halaga ng shabu mula sa mga suspek.
Nang magka-abutan na, dito na dinampot ang mag-asawa, kabilang ang isa nilang kapitbahay na si John Crisologo na na-aktuhan ring bumibili ng shabu.
Ayon kay Amindalan, ang homeowners association sa tinitirhang subdivision ng mga suspek ang mismong nagsumbong na may nagaganap na transaksyon ng droga sa bahay ng mga Angeles.
Aminado naman ang mga suspek na gumagamit sila ng droga, pero itinanggi ng mga ito na nagbebenta sila ng shabu.
Nakuha sa bahay ng mag-asawa ang apat na sachet ng hinihinalang shabu, habang isang sachet naman ang nakuha sa bulsa ni Crisologo.
Aabot umano sa humigit-kumulang pitong gramo ang timbang ng narekober na droga at nasa 35 thousand pesos ang street value.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.