Presyo ng petrolyo, may malaki-laking rollback ngayong araw

A gasoline attendant works at a gasoline station in Quezon City, suburban Manila on August 2, 2011. The Philippines plans to auction off areas of the South China Sea for oil exploration, despite worsening territorial disputes with China over the area, an official said August 2. AFP PHOTO/ JAY DIRECTO
AFP PHOTO/ JAY DIRECTO

Mas malaki ang magiging pagbaba sa presyo ng produkto ngayong araw.

Sa kanilang magkakahiwalay na anunsyo, magkakaltas ng 90 centavos sa bawat litro ng kanilang gasolina ang mga kumpanyang UniOil, Phoenix, Total, PTT, Petron, SeaOil, Eastern, at Shell epektibo alas-6:00 ng umaga.

Samantala, bababa naman ng 1.05 pesos ang presyo ng kada litro ng diesel ng mga nasabing kumpanya.

Magpapatupad rin ng 95 centavos na rollback sa kada litro ng kerosene ang Petron, habang 90 centavos naman sa SeaOil at Flying V.

Pareho din ang ibinaba ng presyo ng gasolina at diesel ng Flying V na nauna nang nagpatupad kaninang hatinggabi.

Read more...