Sa inilabas na kautusan ni Education Sec. Leonor Briones, sinabi niyang ang bagong academic year ay bubuuin ng 204 school days, kabilang ang limang araw na in-service training ng mga guto, at apat na araw na parent-teacher conferences kada quarter.
Dahil dito, inaasahan ang mga mag-aaral na pumasok sa loob ng 195 na araw.
Ayon kay Briones, posibleng maiba ang schedule ng mga pribadong paaralan kumpara sa school calendar ng DepEd.
Gayunman, ipinaalala ng kalihim na hindi maari magsimula ang mga ito nang mas maaga pa sa unang Lunes ng Hunyo, at hindi rin lalampas sa huling araw ng Agusto.
Dagdag pa niya, kailangang ipaalam ng mga paaralan sa kanilag regional offices sakali man na mag-iiba sila ng kanilang school calendar.
Bilang paghahanda naman sa muling pagbubukas ng mga klase, ilulunsad ng DepEd ang Brigada Eskwela sa Cebu City sa May 15.