Bagitong si Emmanuel Macron, ‘big winner’ sa French presidential elections

(Photo credit: Matthieu Alexandre, AFP)
(Photo credit: Matthieu Alexandre, AFP)

Hinirang na bagong pangulo ng France ang 39-anyos na bagitong independent centrist na si Emmanuel Macron.

Natalo ni Macron ang far right, nationalist na si Marine Le Pen sa pinakahuling resulta ng bilangan ng boto na nag-concede na rin sa malaking lamang sa kanya ni Macron.

Sa pinakahuling resulta ng mga boto, nakuha ni Macron ang nasa 65 porsiyento ng mga boto.

Bahagi ng pangako ng neophyte politician na iahon sa kasalukuyang estado ang France, iangat muli ang ekonomiya nito at panatilihin ang ugnayan sa Europa at sa buong mundo.

Malaking pangamba noon ng mga bansa sa Europa ang posiblilidad na manalo noon si Le Pen na isang far right nationalist at populist na nagbabantang bumitiw rin sa European Union sakaling manalo sa eleksyon.

Si Le Pen ay inendorso noon ni US President Donald Trump samantalang si Macron ay inendorso ni dating US President Barack Obama.

Sa kabila nito, nagpahatid na ng kanyang congratulatory message si Trump kay Macron.

Si Macron, ang magiging pinakabatang presidente ng France sa modern French history.

Bago tumakbo bilang pangulo, naging economy minister si Macron ni outgoing French president Francois Hollande.

Bukod dito, wala nang iba pang gaanong karanasan sa larangan ng pulitika ang susunod na president ng France.

Read more...