Sa media advisory ng Globe, isinasaad na hiniling ng PNP sa National Telecommunications Commission (NTC) ang suspensyon na magiging epektibo sa lalong madaling panahon.
Ibig sabihin, hindi maaring makatawag, maka-text, at makagamit ng mobile internet ang mga subscribers ng Globe na nasa bahagi ng Quiapo at kalapit na lugar.
Ayon kay Globe General Counsel Atty. Froilan Castelo, agad nilang ibabalik ang serbisyo ng mobile services kabilang na ang internet connection sa apektadong lugar sa oras na bigyan na ito ng go-signal ng NTC.
hindi naman nagbigay ng paliwanag ang Globe kung ano ang dahilan ng suspensyon.
Humihingi naman ng paunawa ang Globe sa pansamantalang suspensyon ng kanilang serbisyo sa mga apektadong lugar.
Matatandaang noong Sabado, dalawang magkasunod na pagsabog ang naganap sa Quiapo, Maynila na ikinamatay ng dalawa katao at ikinasugat ng anim na iba pa.