Kumpara noong nakaraang taon, bumaba sa 67 porsyento ang lebel ng suporta ng mga Pilipino mula sa 81 porsyento noong Hulyo.
Sa 1,200 respondents, lumabas na 25 porsyento sa mga Pilipino ang tutol sa death penalty habang 8 porsyento ang hindi pa desidido.
Samantala, pasok naman sa mga kasong pinaniniwalaang dapat patawan ng parusang bitay ang rape na nakakuha ng 97%, pangalawa ang muder na may 88& at drug pushing sa 71%.
Isinagawa ang survey mula March 15 hanggang 20 sa pamamagitan ng face-to-face interview.
Sa Kamara, aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang Death Penalty bill, habang sa Senado ay hindi pa matiyak ang kapalaran nito.