Ikinalungkot ng Malakayang ang naganap na dalawang pagsabog sa Quiapo, Maynila kagabi na ikinamatay ng dalawang indibidwal at ikinasugat ng ilang katao.
Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na bagama’t nagpapatuloy ang imbestigasyon ay hinihimok ng Palasyo ang publiko na manatiling alerto at agad na i-ulat sa mga otoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad.
Umapela rin si Abella sa mga mamamayan na iwasang magpasa o magpakalat ng mga balita mula sa ‘unverified sources’ na maaaring lamang magdulot ng pagka-alarma at panic.
Gabi ng Sabado (May 06) nang magkaroon ng dalawang pagsabog sa Norzagaray Street na malapit sa Islamic Center sa Quiapo, Maynila.
Matatandaan na noong ginaganap ang ASEAN 2017 sa Maynila ay mayroon ding pagsabog sa Quiapo.