Panibagong oil price rollback, ipatutupad

 

Mas malaki-laking rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang inaasahang ipatutupad sa mga susunod na araw.

Ayon sa Department of Energy, tinatayang nasa P1.00 hanggang P1.10 ang bawas-presyo sa kada litro ng diesel.

90 centavos hanggang P1.00 naman ang rollback sa bawat litro ng gasolina at kerosene.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ang official advisory na magmumula mismo sa mga kumpanya ng langis.

Pero may posibilidad na epektibo ang price rollback sa darating na Martes (May 09).

Read more...