Personal na away, tinitingnang motibo sa pagsabog sa Quiapo

Kuha ni Rod Lagsuad
Kuha ni Rod Lagsuad

Personal na away ang tinitignang motibo sa likod ng magkasunod na pagsabog sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay NCRPO Dir. Oscar Albayalde, hindi ‘act of terror’ ang magka-kambal na pagsabog sa kanto ng Norzagaray
at Elizondo St.

Paliwanag ni Albayalde, may ‘target’ na indibidwal ang bomba na inihatid ng isang lalaking naka-motorsiklo.

Dagdag pa ni Albayalde, kung ‘act of terror’ ang nangyari, dapat sa mataong lugar iniwan ang bomba.

Wala rin umanong kinalaman ang dalawang pagsabog sa naganap na pagsabog na ikinasugat ng 14 katao noong
April 28.

Ayon naman kay Manila Police District Director Joel Coronel, nananatiling naka-‘full alert status’ ang NCRPO dahil
sa natapos na ASEAN Summit.

Nagpadala na rin umano ng karagdagang pwersa ang NCRPO na magbabantay sa lugar at maglalagay ng
checkpoints sa area ng Maynila.

Nagpapatuloy ang ‘lockdown’ sa Globo de Oro District habang isinasagawa ang post-blast investigation ng
Explosives and Ordnance Division.

Inaantabayanan pa rin ang resulta ng imbestigasyon upang malaman kung anong pampasabog ang ginamit sa
insidente.

Read more...