Walang lamang pampasabog ang naiwang kahina-hinalang bag sa Quiapo ayon kay National Capital Region Police Office Chief Director Oscar Albaylde.
Ang naturang bag ay malapit lang sa lugar kung saan nangyari ang dalawang pagsabog na pumatay sa dalawang
katao at ikinasugat ng anim na iba pa.
Gumamit ang Manila Police District-Explosive Ordinance Division (MPD-EOD) ng ICOR Caliber MK3 bomb-disposal robot sakaling naglalaman ng pampasabog ang nasabing bag.
Naganap ang unang pagsabog bago mag-alas sais ng gabi at pangalawa bandang 8:30 pm.
Kabilang sa mga nasugatan ay ang dalawang pulis matapos maganap ang ikalawang pagsabog sa lugar.
MOST READ
LATEST STORIES