Nagpaalala ang National Capital Region Police Office sa publiko na manatiling kalmado sa kabila ng naganap na kambal na pagsabog sa Quiapo, Maynila.
Sa pahayag na inilabas ni NCRPO Dir. Oscar Albayalde, tiniyak nito na kontrolado ng PNP ang sitwasyon.
Hiniling rin ni Albayalde sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon lalo na sa social media upang maiwasan ang panic.
Hinimok ni Albayalde ang publiko na maging mapag-matyag at i-report kaagad sa pulisya kung may napapansin silang kahina-hinala sa paligid.
Nagpahayag rin ng pakikiramay ang NCRPO sa pamilya ng mga nasawi at dasal para sa agarang paggaling ng mga
nasugatan.
Kaagad na napasugod si Albayalde sa blast site sa Quiapo, at naroon rin si MPD Chief Joel Coronel nang maganap
ang pangalawang pagsabog sa lugar.