Isa sa dalawang nasawi sa pagsabog sa Quiapo, Maynila, kinilala na

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Kinilala na ang isa sa mga nasawi sa unang pagsabog sa Quiapo, Maynila.

Ayon sa National Capital Region Police Office, kinilala ang biktimang si Mohammas Bainga.

Hanggang sa ngayon, hindi pa naman nakikilala ang isa pang lalaki na nasawi sa pagsabog.

Kinilala naman ang mga nasugatan sa unang pagsabog na sina Jaber Gulam mula Lanao Del Sur, Datu Sohair Adapun mula Marawi City na kapwa isinugod sa Mary Child Hospital, Hajhi Ali, na isinugod sa UST Hospital at isa na hindi pa alam ang pagkakakilanlan.

Sugatan naman sa pangalawang pagsabog sina Police Chief Inspector Elisa Reyes Arturo, Chief Chemist ng Manila
Police District Crime Lab, at PO2 Aldrin Resos ng Explosive and Ordnance Unit.

Ayon kay MPD Director Joel Coronel, nasa ospital pa si Chief Insp. Arturo, habang ligtas na si PO2 Resos na
nakabalik na rin kaagad sa trabaho matapos magtamo ng sugat sa kamay.

Read more...