Spanish naval ship, nailigtas ang 651 na mga migrants sa Mediterranean

Mediterranean SeaNailigtas ng Spanish navy ship ang nasa 651 na mga migrants na sinusubukang tumawid sa Mediterranean mula North Africa patungong Europe.

Ang naturang barko na Canarias na bahagi ng isang joint EU mission ang nagsagawa ng rescue sa baybayin ng Libya.

Ayon sa defense ministry ng Spain, ang rescue ay ginawa habang madilim pa ang paligid.

Ang mga nasabing migrants ay mula sa ibat ibang sub-Saharan countries.

Aabot sa 1,958 na mga migrants ang nailigtas ng Canarias sa loob ng tatlong buwan na pagpapatrulya sa Mediterranean.

Read more...