MMDA, kakasuhan ang mga barangay chairman na bigong mapanatiling malinis ang mga estero

estero1Pinaplanong kasuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga barangay chairman na bigong mapatigil ang pagtatapon ng mga basura sa mga esterong nalinis na ng ahensya.

Ayon kay MMDA liaison officer for government agencies Victor Nuñez, na hindi baba sa apat na mga barangay chairman ang maaring masampahan ng neglect of duty sa Office of the Ombudsman sa susunod na linggo dahil sa bigong pagpapanatiling malinis ang mga creek sa kanilang mga lugar na nasa ilalim ng Estero Blitz program ng ahensya.

Tumanggi namang banggitin ni Nuñez kung saang mga lungsod nagmula ang mga nasabing mga kapitan.

Regular na nagsasagawa ang MMDA ng summertime cleanup sa nasa 273 na mga estero sa buong Metro Manila hindi lang para mapuksa ang mga lamok na may dalang sakit kundi para malinis ang mga basura na nakabara sa
mga pumping stations na siyang nagiging dahilan ng mga pagbaha tuwing tag-ulan.

Una na dito, nagsampa na ang MMDA ng mga administrative cases laban sa pitong barangay chairman na hindi
ginawa ang kanilang tungkulin para mapanatiling walang mga nakaharang at mga ilegal na nakaparadang mga
sasakyan sa kanilang mga lugar.

Read more...