(UPDATED) 2 patay, ilang katao sugatan sa magkasunod na pagsabog sa Quiapo

Gunao1
Inquirer photo

(Updated) Matapos magbigay ng pahayag sa mga miyembro ng media si NCRPO Director Oscar Albayalde ay isa na namang pagsabog ang naganap sa Quiapo sa lungsod ng Maynila 8:38 ngayong gabi.

Nangyari ang ikalawang pagsabog sa Norzagaray street malapit lamang sa Gunao street na unang kinaganapan ng pagsabog malapit sa Islamic Center.

Sugatan ang dalawang tauhan ng PNP na mula sa Explosive and Ordnance Division at Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa ikalawang pagsabog.

Nasa dalawang katao ang naitalang patay sa naganap na pagsabog sa Gunao Street kung saan ay kaagad na isinara
sa daloy ng trapiko ang lugar habang nasa apat na katao sugatan at isa dito ay minor lang ang tinamong sugat
habang ang ang iba ay dinala sa ospital.

Sa paunang report na nakalap ng Manila Police District, naganap ang unang pagsabog kaninang 5:50PM.

Sa naging panayam kay Albayalde, base sa inisyal na ulat, ay may nagdeliver ng package kaninang hapon.

Aniya kasama sa mga namatay ang nagdeliver nito at ang taong pinag-abutan ng nasabing package na sinasabingcaretaker sa lugar.

Sa kasalukuyan ay nasa blast site pa ang mag otoridad para sa kaukulang imbestigasyon.

Kamakailan ay may naganap rin na pagsabog sa Quiapo sa Maynila na nagresulta sa pagkasugat ng maraming mga
biktima.

Read more...