DLSU Lady Spikers, naidepensa ang UAAP title

fajardo-dlsu-upNaidepensa ng DLSU Lady Spikers ang kanilang UAAP Women’s Volleyball title laban sa ADMU Lady Blue Spikers sa score na 19-25, 25-14, 18-25, 25-18 at 15-10 kahapon sa Araneta Coliseum.

Nagawa ng DLSU na magkaroon ng ikalimang set na siyang naging daan para masungkit ang kampeonato.

Pinangunahan ni Kim Dy ang koponan matapos magtala ng 19 points habang nagdagdag naman si Tin Tiamzon ng 16 markers.

Nagdadag rin ng 10 markers ang Season MVP na si Majoy Baron habang ang graduating team captain na si Kim Fajardo ay nakapagtala ng 6 points.

Habang itinanghal namang Finals MVP si Desiree Cheng ng DLSU ng 79th UAAP women’s volleyball.

Read more...