3 patay, 1 kritikal sa pagsabog ng granada sa Antipolo City

Aug 24 MAP AntipoloTatlo ang patay at isa ang kritikal sa pagsabog ng isang granada sa isang bahay sa Antipolo City, Linggo ng umaga.

Sumabog ang nasabing granada sa bahay ng nagngangalang si Norberto Tupino sa Sitio Taguisan, Bagong Nayon, Antipolo City bandang 10:35am, na agad ikinamatay sina Michael Wong at Arthur dela Cruz.

Ayon sa police report, sumabog ang PRB-type na granada sa bungalow nang may ari, habang nakalagi ang pamnagkin ng may ari na si Ronald.

Dead on arrival na nang dumating sa Antipolo District Hospital si Ronald dala ng dami ng tama sa kanyang katawan.

Ayon kay Antipolo Chief of Police Supt. Dennis Macalintal, isang bahay din ang nadamay sa pagsabog kung saan kritikal din ang isang biktimang nagngangalang Benny Flores, na dinala na sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center.

Kasama din sa nasabugan ang nagngangalang Joel Starling na nasabugan naman sa kanang paa.

Inaalam pa ng pulisya kung ang pagsabog ay isnag aksidente o sinadyang inilagay, maging ang pagkakaugnay ng mga biktima sa kanilang ginagawa at sa oras ng pagsabog.

Dagdag pa sa police report, dinala na rin sa kustodiya ang batang kapitbahay na si Eric Ramos, matapos makitaan ng drug paraphernalia at sachet ng shabu sa kanilang bahay.

Ayon kay Macalintal, may mga natagpuang M26 at M33 na granada sa loob ng bahay ni Tupino.

Kakasuhan naman si Ramos dahil sa mga drug paraphernalia na natagpuan, samantala kakaushan din ang mga nakaligtas dahil sa mga ilegal na armas na nakuha mula sa kanilang bahay./Stanley Gajete

Read more...