Mula sa ika-138, umakyat ng labing isang pwesto ang Pilipinas sa 2017 World Press Freedom Index.
Sa inilabas na resulta ng Reporters Without Borders na isang international non-profit at non-governmental organization na dumedepensa sa freedom of the press, pinagbatayan ang ranggo ng 180 bansa sa lebel ng kalayaan sa mga mamamahayag.
Sa ika-127 na ranggo, nagtamo ang Pilipinas ng global score na 41.08 kumpara sa 44.66 noong nakaraang taon.
Batay sa ulat, ito ay dahil sa pagbaba ng bilang ng mga mamamahayag na napatay noong 2016.
Sa kabila nito, nananatili pa rin anila ang Pilipinas sa mga delikadong bansa para sa mediamen.
Maliban dito, isinama rin ng Reporters Without Borders ang Pilipinas sa mga bansang may “difficult situations” kasunod ng mga nagiging patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte sa media.
Samantala, 21 bansa ang napabilang sa “very bad” category o nakamarka ng kulay itim sa press freedom map habang 51 naman ang “bad” o nakamarka ng kulay pula. Sa kabuuan, lumala ng 62.2 porysento ang sitwasyon ng media sa mundo ngayong taon.