Trump humirit na makaharap si Duterte sa Nobyembre sa U.S

trump-duterteNais ni US President Donald Trump na bumisita si Pangulong Duterte sa White House bago ang buwan ng Nobyembre.

Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenza kaugnay ng imbitasyon ng US President kay Duterte.

Ayon kay Lorenzana, kung si Trump aniya ang masusunod ay nais nitong makaharap ang Pangulo ng Pilipinas bago ang ASEAN leader’s summit sa nabanggit na buwan.

Hindi matiyak ng kalihim kung matutuloy ang pagkikita ng dalawang lider dahil maging si Pangulong Duterte ay nagdadalawang isip na tanggapin ang alok.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya masiguro kung matutuloy ang pagpunta niya ng Amerika dahil marami pa umano siyang trabaho at nakatakda din niyang bisitahin ang ilan pang mga bansa gaya ng Israel.

Sa isang “friendly call” noong April 29, inimbitahan ni Trump ang Philippine counterpart na bumisita sa kanilang bansa.

Partikular na nais buksan ni Trump ang ugnayan ng Pilipinas at Amerika.

Read more...