NPA muling sumalakay sa Bukidnon

Valencia CitySinalakay ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang security agency sa Valencia City, Bukidnon.

Sa report ni PNP Region 10 Director Supt. Lemuel Gonda, nasa tatlumpung rebelde ang pumasok sa tanggapan ng Dasia Security Agency sa Purok 17, Hindangon, Poblacion Valencia City gabi ng miyerkules.

Kinuha umano ng mga ito ang ilang mga baril ng nasbaing security agency gaya ng dalawang AK 47 rifles, M16 rifle, tatlong shotgun at tatlong Cal. 38 revolvers.

Pawang nakasuot ng PNP GOA Uniforms ang mga rebelde at nagpanggap pa na magsisilbi lamang sila ng search warrant. Naglagay din ang mga rebelde ng barikada sa kalsada patungo sa security agency.

Dinis-armahan din nito ang rumespondeng pulis mula sa Maramag Municipal Police Station bago tuluyang tumakas sakay ng isang Toyota Hilux pick-up, dalawang motorsiklo at ang dalawang armored van ng nasabing security agency.

Read more...