Imbestigasyon ng CHR sa napatay sa ASG member sa Bohol umusad na

abu sayyaf
Inquirer fiile photo

Sinimulan na ng Commission on Human Rights ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng isang Abu Sayyaf member sa mismong kamay ng mga tauhan ng Philippine National Police sa lalawigan ng Bohol.

Ipinaliwanag ni CHR-Region 7 Director Arvin Odron na dapat magpaliwanag ang mga opisyal ng Tagbilaran City PNP kung paanong nagtangkang mang-aagaw ng baril ng napatay na ASG member na si Saad Samad Kiram alyas Abu Saad.

Noong Huwebes ay inaresto si Kiram sa Barangay Tanawan sa bayan ng Tubigon sa Bohol habang kumakain sa loob ng isang bahay doon.

Si Kiram ay sinasabing kasama sa mga ASG member na sumalakay sa bayan ng Clarin kamakailan kung saan marami sa kanyang mga kasamahan ang napatay ng militar.

Kahapon ng madaling araw habang siya’y ibinabyahe papunta sa Bohol District Jail ay bigla umano siyang nang-agaw ng baril sa kanyang mag escort na naging dahilan kung kaya’t siya’y binarily hanggang sa mapatay.

Ikinatwiran ni Odron na masyadong nang gasgas ang nasabing anggulo na karaniwang pinalalabas na kwento kapag may napapatay na suspek ang mga otoridad.

Sinabi ng Commission on Human Rights na susuriin nila ang lahat ng anggulo sa pagkamatay ni Abu Saad.

Kahapon ay ipinag-utos na rin ni CHR Chairperson Chito Gascon ang imbestigasyon sa pagkamatay sa nasabing Abu Sayyaf member.

Read more...