Pumalag si Isabela Rep. Rodito Albano sa mga alegasyon na tumanggap umano ng “lobby money” ang buong House contingent sa Commission on Appointments kaya naibasura ang appointment ni Environment Sec. Gina Lopez.
Sinabi ni Albano na malinis ang kanilang konsensiya at ibinase umano nila ang kanilang desisyon sa appointment ni Lopez base sa merito ng mga isyu na nakapaloob sa kapakanan ng kagawaran sa kabuuan.
Nilinaw rin ng opisyal na walang lumapit kahit isang mining firm para impluwensiyahan ang kanilang desisyon sa appointment ni Lopez.
Wala rin umanong kasiguruhan na maipagpapatuloy ng mga minahan ang kanilang operasyon sakali’t katulad rin ni Lopez ang papalit sa kanyang sa DENR.
Idinagdag pa ni Albano na kahit mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay naniniwala na isang matapang na katulad ni Lopez ang humalili sa kanya sa DENR para sa pagsasa-ayos ng ating kalikasan.