Gobyerno binastos ng U.N Rapporteur ayon sa Malacañang

Callamard1
Inquirer file photo

Hindi nagustuhan ng Malacañang ang umano’y pambabastos ni United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard sa kanyang biglaang pagbisita sa bansa.

Ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na noon pang Setyembre 26 nila iniimbitahan si Callamard na pumunta sa Pilipinas para magsagawa ng sariling imbestigasyon kaugnay sa mga umano’y kaso ng Extra Judicial Killings (EJKs) sa bansa.

Pero hindi umano ito pinansin ng nasabing U.N official sa halip ay nagpatuloy ang pagbanat nito sa pamahalaan kaugnay sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte klaugnay sa iligal na droga.

Sinabi ni Abella na dapat sumunod sa protocol si Callamard na taliwas sa kanyang ginawang biglaang pagpunta sa bansa.

Malinaw ayon sa tagapagsalita ng pangulo na may motibo ang biglaang paglitaw sa Pilipinas ni Callamard.

Itinaon pa raw ang pagdating niya dito sa pagtulak naman sa sa Geneva ng senior-level delegation ng bansa para dumalo sa 3rd Cycle Universal Human Rights Review na inorganis ang Office of the United Nations High Commission for Human Rights.

Inaasahan na rin umano ng Malacañang ang pagsakay sa isyu ng mga kritiko ng pangulo kaugnay sa pagpunta sa Pilipinas ni Callamard.

Read more...