Ban kay Lionel Messi, inialis na ng FIFA

FC Barcelona's Lionel Messi, from Argentina, holds up his Ballon d'Or (Golden Ball) award as European Footballer of the Year prior of the Spanish La Liga soccer match between FC Barcelona and Athletic Bilbao at the Camp Nou stadium in Barcelona, Spain, Sunday, Jan. 17, 2016. (AP Photo/Manu Fernandez)
(AP Photo/Manu Fernandez)

Pinayagan na ng FIFA ang Argentinian team captain na si Lionel Messi na makapaglaro sa susunod na tatlong World Cup qualifiers.

Ito’y matapos maalis ang kaniyang pagkaka-ban dahil sa pang-iinsulto sa isang assistant ng referee.

Nai-serve na ni Messi ang isa sa apat na match ban na ipinataw sa kaniya ng FIFA disciplinary committee.

Ayon sa FIFA, itinuring ng kanilang appeal committee ang naging ugali ni Messi bilang “reproachable” dahil sa pagmumura nito sa isang linesman noong March 23.

Gayunman, nagdesisyon rin ang panel na hindi sapat ang ebidensya para ipatupad ang suspensyon kay Messi.

Sa kanilang pahayag naman, iginiit ng FIFA na binibigyang halaga nila ang paggalang sa mga match officials, at na hindi katanggap-tanggap ang anumang kilos na tataliwas sa pagiging sport ng mga manlalaro.

Sasabak ang Argentina sa sunod na World Cup qualifier sa Urugay sa August 31.

Read more...