Matapos puntahan ang reyna, nakipagkita rin si Suu Kyi kina Prince Charles at asawa nitong si Camilla.
Nakasama rin ni Suu Kyi sa nasabing lunch meeting si Prince William na panganay na anak ni Charles.
Samantala, itinanggi naman ni Suu Kyi ang umano’y ethnic cleansing na nangyayari sa Muslim-majority na Rakhine region.
Unang umusbong ang mga ulat tungkol sa umano’y pagpapaalis ng Myanmar sa libu-libong mga Rohingya noong nakaraang taon.
Nasa 75,000 na Rohingya ang lumikas mula sa Myanmar patungo sa Bangladesh.
MOST READ
LATEST STORIES