Magsisimula ang pagpapatrulya ng PCG sa Benham Rise sa darating na Linggo, May 7.
Kabilang sa idedeploy ng PCG sa Benham Rise ay ang kanilang multi-role response vessel na BRP Malapascua at ang Monitoring, Control and Surveillance vessel o MCS 3001.
Sa ngayon ay wala pang impormasyon ukol sa kung gaano katagal ang isasagawang maritime patrols ng PCG sa Benham Rise.
Nakatakda naman magpulong ang mga tauhan ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ngayong araw ng Biyernes sa Infanta, Quezon kung saan magkasabay silang tutungo sa Benham Rise.
Ayon kay PCG Spokesman Commander Armand Balilo, handa silang samahan ang BFAR sa kanilang isasagawang fish examination sa Benham Rise.
Una nang idineklara ng United Nations noong 2012 na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang Benham Rise, na matatagpuan sa baybayin ng Aurora province.