UN Special Rapporteur on EJK, nasa Pilipinas

 

Nasa bansa ang UN Special Rapporteur na si Dr. Agnes Callamard.

Si Callamard ang UN Special Rapporteur on Extrajudicial, Summary or Arbitrary Executions na una nang hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng debate bago payagang magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa mga kaso ng pagpatay sa bansa.

Bisita si Callamard sa ika-30th na anibersaryo ng Commission on Human Rights kahapon sa Quezon City.

Gayunman, hindi naman nagpaunlak ng interview ang UN Special Rapporteur.

Ayon kay CHR Commissioner Chito Gascon, hindi niya batid ang pagbisita ni Callamard.

Gayunman, hindi naman nangangahulugan aniya na hudyat na ito ng paglulunsad ng isang opisyal na imbestigasyon ng UN sa mga kaso ng extrajudicial killings sa bansa.

Bukod sa pagiging bisita sa CHR anniversary, nakatakda ring dumalo sa isang drug policy forum si Callamard sa University of the Philippines na pinasisimunuan ng ahensya at ng Free Legal Assistance Group o FLAG.

Samantala, sa kanyang talumpati sa isang okasyon sa Davao City, kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating sa bansa ni Callamard.

May kaugnayan aniya ang pagbisita nito sa Pilipinas sa imbestigasyon sa mga extrajudicial killings sa bansa.

Read more...