TADECO nanindigan na legal ang kanilang kontrata sa pamahalaan

COAInalmahan ng Tagum-Agricultural Development Company ang initial findings ng Commission on Audit o COA na ginawang basehan ng Office of the Solicitor General sa pag-iisyu ng legal opinion laban sa joint venture ng Bureau of Corrections at TADECO na pag-aari ng pamilya ni Cong. Antonio Floirendo.

Ayon kay TADECO President at CEO Alex Valoria, mali ang mga probisyon ng batas na tinukoy ng COA at OSG para sabihing may paglabag sa kontrata.

Isa na aniya rito ang pag-uri ng COA sa kasunduan ng Bucor at TADECO bilang leasehold and tendency agreement na hindi naman talaga.

Paliwanag pa ni Valoria, government reservation ang lupang kinatatayuan ng Davao Penal Colony na nasa ilalim ng Bucor kaya hindi ito matatawag na in-alienable land at hindi maaaring upahan.

Paglilinaw nito, ang kontrata sa pagitan ng Bucor at TADECO ay joint venture agreement na may pangunahing layunin na makatulong sa rehabilitasyon ng inmates sa Davao Prison Penal Farm at pangalawa lamang ang pagkakitaan ito.

Sinabi ni Valoria, sa ilalim ng Public Land Act, bawal pumasok sa lease agreement ang Bucor at TADECO kaya naman hindi rin angkop sa kaso nito ang 1000-hectare limit na isinasaad sa Konstitusyon.

Magugunitang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na malaki ang nalugi sa pamahalaan dahil sa pandaraya ng TADECO sa kanilang kontrana sa BUCOR.

Read more...