Aminado si National Security Adviser Hermogenes Esperon na hindi agad na maipatutupad ang isinusulong na joint military exercise ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagitan ng China at Pilipinas.
Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Esperon na kinakailangan muna na magkarooon ng Visiting Forces Agreement, treaty o delineation of exercise areas ang dalawang bansa.
Ayon kay Esperon, kinakailangan na magkaroon muna ng kasuduan ang bansa lalo’t balak ng pangulo na isagawa ang joint military exercise sa Sulu Sea na internal waters.
Positibo naman si Esperon na maganda ang ibubunga ng aktibidad sa pagitan ng Pilipinas at Chinese military sakalit matuloy ang exercise lalo na’t itoy gagawin umano sa Mindanao.
Malaking bagay ayon sa NSC Chief na makita ng mga terorista ang presensiya ng militar na anya’y tiyak na maka-apekto partikular sa kidnapping activities ng mga masasamang elemento doon.