Ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA, namataan ang mata ng bagyo, may 525 kilometro ang layo mula sa Hilagang Silangan ng Basco, Batanes.
May lakas pa rin ang bagyong Ineng na 175 kilometro kada oras at bugso na aabot ng 210 kilometro kada oras.
Magdadala parin ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan ang bagyong Ineng, na lalong magpapalakas sa habagat na nakakaapekto sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at MIMAROPA.
Maging ang mga probinsya tulad ng Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Metro Manila, Cagayan, Central Luzon, at CALABARZON ay makakaranas ng matinding pag ulan na maaaring magdulot ng pagbaha at landslides.
Inaasahang tutungo sa hilaga , pahilagang silangan ng Pilipinas ang bagyo sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Bukas ng hatinggabi, inaasahan na ang bagyo ay nasa layong 880 kilometro hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Tinanggal naman na ng PAGASA ang public storm warning signals sa anumang lugar sa bansa.
Nananatili namang kanselado ang pasok sa lahat ng antas sa mga lugar ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Benguet, at Abra./Stanley Gajete