PNoy, Binay, Mar at Poe, pare-parehong bibisita sa Cebu

Mula sa inquirer.net

Nasa Cebu bukas, ika-24 ng Agosto sina Pangulong Benigno Aquino III, Vice President Jejomar Binay, Interior Secretary Mar Roxas at Senador Grace Poe.

Gayunman, bagamat pupunta sa iisang lugar ang apat na personalidad, magkakaibang aktibidad naman ang kanilang dadaluhan.

Sina Pangulong Aquino at Roxas ay dadalo sa gathering ng mga miyembro ng Liberal Party.

Samantalang bibisitahin naman ni VP Binay ang mga residente ng Barangay Climaco, Puting Bato, at Dumlog sa Toledo City at ang mga residente ng Barangay camp 4, Jaclupan at Tabunoc sa Talisay City bukas ng alas-9:30 ng ng umaga.

Dadalo naman si Poe sa Foundation Week Celebration ng University of San Carlos dakong alas 9:00 ng umaga.

Sina Roxas at Binay ay kapwa deklaradong tatakbo sa pagkapangulo habang si Poe ay hindi pa nakapagpapasya kung sasabak sa 2016 Presidential Elections./Chona Yu

Read more...