Ayon kay Bello, ito ay upang mapabilis ang serbisyo ng ahensiya sa mga komunidad tulad ng pre-employment at labor standards para sa trabahong pang-lokal at ibang bansa, karapatan pagdating sa general labor standards at occupational safety and health standards, at livelihood assistance.
Dagdag pa nito, kailangang magbigay ng mga kawani ng impormasyon at materyales ng Labor and Employment Education Services (LEES) sa kanilang hanay bilang suporta sa DOLE community outreach program.
Sa naturang programa, magsasagawa ng 1-day forum ang mga regional offices isang beses kada buwan.