Ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit ang operasyon laban sa mga suspect na sina Joel Leonardo at Alea Kassandra Alongsagay.
Nagpanggap na posseur-buyer ang isang pulis at bumili ng P300,000 halaga ng shabu sa loob ng bahay ng mga suspek.
Nang magka-abutan na, agad na dinampot ng mga pulis ang mga nasabing drug personalities.
Narekober sa kamay ng mga ito ang walong sachet ng hinihinalang shabu, isang .38 caliber na revolver, limang bala at ang 300 pisong buy bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at Republic Act 10591 o illegal possession of firearms.
MOST READ
LATEST STORIES