Lalaki, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Parañaque City

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang lalaki matapos maka-engkwentro ng mga pulis sa tabi ng isang creek sa Brgy. San Dionisio, Paranaque City.

Dead-on-the-spot ang hindi pa nakikilalang suspect na nakasuot ng dilaw na sando, itim na pantalon, at rubber shoes.

Ayon kay Sr. Supt. Jemar Modequillo, hepe ng Paranaque Police, nagsagawa ng Oplan Sita ang kanyang mga tauhan sa bahagi ng Irasan Complex at nakita ang dalawang kahina-hinalang lalaki.

Pababa pa lamang umano sa patrol car ang mga pulis para sitahin ang mga lalaki, pero bumunot kaagad ng baril ang mga ito at pinaputukan sila.

Dahil dito, gumanti ng putok ang mga pulis at napatay ang isa sa mga suspek, habang nakatakas naman ang kasama nito.

Kuha ni Cyrille Cupino

Nakuha sa kamay ng suspect ang isang caliber .38 na revolver na may mga lamang bala, dalawang sachet ng shabu, at mga drug paraphernalia.

Ayon kay Modequillo, madalas nang may itinatapong bangkay sa nasabing creek at talamak rin umano ang bentahan ng droga sa naturang lugar.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang Paranaque City Police upang mahuli ang nakatakas na suspek.

Read more...